14
kulong-arrested
By

3 construction workers, huli sa buy-bust sa Mandaluyong

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng tatlong lalaki matapos malambat sa ikinasang magkahiwalay na drug buy-bust operations kahapon sa Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report, unang ikinasa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ang buy-bust alas-dos ng hapon sa kahabaan ng Block 37, Barangay Addition Hills.

Arestado rito sina Mark Louie Guese y Antonio, alyas Toryong, 23; at Jefferson Arcangel, 33, pawang construction workers sa San Jose St., Guadalupe Nuevo, Mandaluyong City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng shabu.

Samantala, alas-10:30 naman ng umaga nang maaresto si Alvin Gumilao, 33, construction worker.

Naaresto si Gumilao nang mahuli sa paglabag sa ordinansa dahil walang suot na damit pang-itaas at nang kapkapan ay shabu ang nakita kaya agad itong dinakip.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlong suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?