10
arrested-marijuana
By

3 college students huli sa marijuana sa eskuwelahan

Sharing is caring!

Dinakma ng pulisya ang tatlong mag-aaral sa kolehiyo matapos na mahulihan ng marijuana kung saan ang bentahan at bilihan ay isinagawa sa loob pa ng paaralan sa Quezon City.

Sa report ni QCPD Director, Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Jovan Gragasin, 18; Jaycrome Lapinig, 18; at isang 17-anyos, pawang estudyante ng Bestlink College of the Philippines na matatagpuan sa No. 1071 Quirino Highway, Brgy. Kaligayahan, Novaliches.

Ang mga suspek ay dinakip ng mga operatiba ng Fairview Police Station (PS 5) matapos na makapkapan ng tatlong sachets ng marijuana.

Sa imbestigasyon, dakong alas-singko ng hapon habang nasa loob ng silid-aralan ang 17-anyos na estudyante ay humingi umano ito ng pahintulot sa kanyang professor na lalabas lamang sandali at kakausapin sina Gragasin at Lapinig.

Pumayag naman umano ang professor subalit naghinala ito nang makitang may hawak na maliit na sachet ang nasabing estudyante na itinago sa bulsa nito.

Dahil dito ay nilapitan ng professor ang naturang estudyante at nang tanungin kung ano ang itinago nito sa bulsa ay agad ding inamin ng huli na pinatuyong marijuana ang itinago nito.

Agad namang itinurn-over ng guro ang estudyante sa mga awtoridad, at sa follow-up operationay nadakip din ang ang dalawa pang estudyante na sina Gragasin at Lapinig na binilhan ng marijuana. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?