116

Jan 17, 2019 @ 20:34
By

3 Chinese warships dumaong sa Maynila

Dumating sa Pier 15, South Harbor, Manila nitong Huwebes ng umaga ang tatlong barkong pandigma ng China.

Ang pagdaong ng Wu Hu (Hull 539), Han Dan (Hull 579) at Dong Ping Hu (Hull 960) ay para umano sa goodwill visit.

Alas-10:00 ng umaga nang salubungin nina Commodore Wilfredo Burgonio at Philippine Fleet deputy commander Vice Admiral Robert Empedrad ang Chinese navy na sinundan ng welcome ceremony.

“We have elevated our relationship to one of comprehensive strategic cooperation, opening a new chapter for China-Philippine relationship. I believe that we come here with peace, friendship and a better vision of common development and shared prosperity,” ani Rear Admiral Xu Haihua, North Sea Fleet deputy chief-of-staff at naval task group commander.

Samantala, umaasa si Burgonio na ang pagdating ng counterparts nila mula sa Chinese Navy ay lalo pang magpapatatag sa relasyon sa pagitan ng dalawang Navies.

Ito na ang ikalawang pagbisita ng mga barkong pandigma ng China sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Una itong nangyari noong Abril 30, 2017 sa Sasa Wharf sa Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?