44

Nov 17, 2019 @ 15:06

3 chef na Fil-Am lumibot sa PH

Dalawang linggong lilibot sa iba’t ibang lugar sa bansa ang tatlong Filipino-American chef upang tikman at i-promote ang mga pagkaing Pinoy sa ibang bansa.

Pinamagatan ng Department of Tourism (DOT) ang proyekto na “Chef’s Food Trip Project” na nilahukan nina Tom Cunanan (ng Bad Saint sa Washington D.C.), Charles Olalia (Ma’am Sir resto sa Los Angeles), at Grant “Lanai” Tabura (Winner ng Great Food Truck Race).

Mula Nobyembre 10, nakapunta na sina Cunanan at Tabura sa mga hit culinary spot sa Quezon City hanggang Pampanga.

Sinamahan sila ni Olalia na maglibot sa Iloilo City at Bacolod City, at tutungo naman sila sa Davao City bukas hanggang Nov. 19.

Ayon sa DOT, lumahok din ang mga Fil-Am chef sa iba’t ibang symposium, DOT x WOFEX University Fun Food Talks, kung saan nakipag-usap at nag-cooking demo sila sa ilang local food enthusiast at mga culinary and tourism student.

Sabi ni Tourism chief Bernadette Romulo-Puyat, kaya nila inimbita sa bansa ang tatlo ay upang matuto pa sila sa mga pagkaing Pinoy, para maparami pa nila ang ihahain na ganito sa ibang bansa at upang maging ambassador sila ng Philippine food tourism.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?