50
Record high sa personal remittances, naitala — BSP
Aug 12, 2019 @ 17:43
By

3 buwan matapos ang bidding: BSP wala pang napiling security agency

Mahigit tatlong buwan nang in suspense ang mga sumali para sa P600 milyong security service contract ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagsagawa ng pre bid conference ang BSP para sa 500 security guards noong Abril 24, 2019 at nag-isyu ito ng isang bid bulletin na tinanggal na ngayon sa website. Ang deadline para sa pagsusumite ng bids ay Mayo 6, 2019 ng 2pm.

Nung Huwebes, sinabi sa procurement office ng BSP na wala pang napipiling security agency at sinabi din nitong maghintay-hintay na lang sa anunsiyo.

Ang security agency ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida, ang Vigilant Investigative and Security Agency Inc., ang nanalo sa kontrata ng BSP para sa security services nung 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?