269

Jan 14, 2022 @ 19:51
By

3 branch ng Fully Booked dapa sa pandemya

Malungkot na balita para sa mga bookworm.

Inanunsyo ng Fully Booked ang permanenteng pagsasara ng tatlong sangay nila sa Metro Manila.

Sa Facebook post, sinabi ng Fully Booked na magsasara ang tatlong branch nila sa Torre Lorenzo (Jan. 12), Century City Mall (Jan. 13) at Ayala Vertis North (Feb. 1).

Ang S Maison branch naman nila ay pansamantalang isasara “until further notice”.

“If you were a frequenter at these branches, we still hope to see you at our other branches and at www.fullybookedonline.com,” saad ng kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?