88
arrested
Nov 17, 2018 @ 14:14
By

3 bebot na tulak, huli sa Mandaue

Umaabot ang mahigit P1.9-milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa tatlong babae sa ikinasang joint operation ng Canduman Police Station at City Intelligence Branch ng Mandaue City Police office sa Barangay Paknaan, Mandaue, Cebu.

Batay sa nakalap na report, target ng pulisya ang kilalang tulak na si Jayne Alejandria, 28-anyos, residente ng Zone 7 Riverside, Barangay Canduman, Mandaue at nakuha mula kay Alejandria ang dalawang malalaking bulto ng shabu.

Inaresto rin sina Eloise Jori Alcantara, 20-anyos, residente ng Arellano Boulevard, Barangay San Roque at Marife Estay, 45-anyos ng Curba, Barangay Libertad, Bogo City sa Mandaue na nahuli sa loob ng bahay ni Alejandria.

Nakumpiska mula sa dalawa ang isang bulto ng shabu.

Umaabot sa tatlong malalaking sachet na naglalaman ng shabu ang nakuha mula sa tatlong babae na nasa 165 gramo na nagkakahalaga ng P1.9 milyon.

Nabatid na kasama sa bagong listahan ng drug watch list si Alejandria.

Naganap ang insidente makaraang makatanggap ng report na may nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa Barangay Libertad kung saan ay garapalan ang ginagawang pagbebenta ng babaeng suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Canduman detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?