288

May 18, 2021 @ 20:12
By

3 batang Pinoy sa Zamboanga, asul mga mata

Nakaw-atensiyon ang tatlong magkakapatid sa Zamboanga del Norte dahil kulay asul ang kanilang mga mata.

Kuwento ng ina ng magkakapatid na si Elizabeth Catubay, nagulat daw siya nang makita ang panganay na si AJ na asul ang kaliwang mata habang itim ang kanan.

Ang pangatlo niyang anak na si Daisy Louie ay pareho ng mata kay AJ habang ang bunso niya ay asul ang dalawang mata.

“Sabi nila parang milagro. Sabi nila suwerte raw na nakapag-anak ng blue eyes,” sambit ni Catubay sa “Brigada” report.

Sa kabila nito, hindi raw nangangamba si Catubay dahil tiniyak sa kanila ng doktor na malinaw naman ang mga mata ng kanyang mga anak.

Ayon sa ulat, tinatawag na Heterochroma Iridis ang kondisyon ng magkakapatid.

“Kaya siya blue eyes, kasi nagkulang ‘yung melanin pigments doon sa iris nila,” paliwanag ni Dr. Leo Cubillan, ng Philippine Eye Research Institute.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?