By

3 bata patay sa sunog sa Bacolod

Sharing is caring!

Patay ang tatlong magkakapatid nang masunog ang kanilang bahay sa Bacolod City noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa report, nasawi ang mga biktima na sina Arthur IV, 4; Ajericho Jr, 3; at Mary Auxencia, 2, naninirahan sa Barangay Felisa.

Sabi ni FO3 Cornelio Silva, chief investigator ng Bureau of Fire Protection, mabillis na kumakalat ang apoy dahil gawa sa kahoy ang kanilang bahay.

Sabi niya, maaring namatay ang mga bata dahil hindi makahinga dulot na makapal na usok.

Giit naman ng ama ng biktima, posibleng electrical short circuit ang pinagmulan ng sunog. Iniimbestigahan pa ng BFP ang tunay na sanhi ng sunog.

Ang ina ng mga biktima ay nagtatrabaho sa Dubai, United Arab Emirates.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?