64

By

3 bata ni Carter sawi sa Croatia

SAWIMPALAD makamedalya ang 3 bata ni Philippine Judo Federation president David Carter na kumampanya sa kababalibag na International Judo Federation 2018 World Tour Zagreb sa Croatia.

Pinakamataas na ang tinapos ni Kiyomi Watanabe na pampito sa women’s -63-kilogram mula sa 26 na kalahok nang matalo sa isang Canadian sa repechage bronze bronze match, 0-110.

Napadpad ang reigning three-time Southeast Asian Games champion sa repechage makalipas yumukod sa isang Japanese sa quarterfinals, 0-100, makaraan ang mga paghakbang sa tig-isang German (100-0) at Italian (10-0) sa first two rounds.

Sibak agad ang kambal na mag-utol na Nakano na sina Shugen sa men’s 66-kg. at Keisei sa men’s -73kg sa tatlong araw na kompetisyong sinabakan ng 513 judokas (329 men at 184 women) mula sa 78 bansa sa 5 kontinente.

Timbuwang ura-urada si Shugen sa taga-Hungary, 0-100, para makatapos sa 46th mula sa 51 entries, habang tilapon si Keisei sa Kazakhstan bet, 0-100, at magkasya sa 54th buhat sa 54 bets.

Ang partisipasyon ng Nationals sa torneo’y preparasyon para sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?