279

By

3 bata namatay dahil sa Dengvaxia vaccine – VACC

Hiniling ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice na hukayin at suriin ang bangkay ng tatlong batang pinaniniwalaang namatay diumano matapos maturukan ng anti-Dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa isang press conference kanina, sinabi ni Dante Jimenez, chairman ng VACC, ang tatlong bata na pawang mga taga-Bataan na nabakunahan noong Abril 2016.

Nakikipag-usap na umano sa mga opisyal ng gobyerno sa Region 3 para iba pang detalye ng tatlong bata.

Subalit ayon kay Dr. Ruby Dizon, Sanofi Pasteur medical director, “misinformation” ang pahayag na iyon ng VACC. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?