42

Oct 12, 2021 @ 21:52
By

3 bata nalibing nang buhay sa landslide

Patay ang tatlong bata nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa bayan ng La Trinidad, Benguet sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Maring kagabi.

Ayon sa ulat, edad 2, 6 at 8 ang mga biktima at mga residente ng Barangay Ambiong.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Mayor Romeo Salda na naitakbo pa sa ospital ang mga biktima ngunit dineklarang dead on arrival.

Samantala, nailigtas naman ang mga magulang ng mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?