10

May 13, 2021 @ 12:44
By

3 bata ginamit sa bentahan ng shabu

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong menor de edad na ginamit umano bilang drug courier.

Kinasa ng PDEA ang drug operation sa Pleasant Hill Subdivision sa San Jose del Monte, Bulacan para makorner ang isang alyas ‘Abdul’.

Ngunit sa kanilang operasyon ay tatlong bata ang nag-abot sa kanila ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.

Ayon sa pulisya, edad 12 at 13 ang mga menor de edad.

Napag-alaman sa imbestigasyon na gumagamit ng bata si ‘Abdul’ para magsilbing tagapag-deliver ng iligal na droga sa loob ng subdivision.

Na-turn over naman ang tatlong menor de edad sa Social Welfare and Development Office ng San Jose Del Monte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?