358

Oct 20, 2017 @ 16:41

3 barkong pandigma ng Russia, nasa ‘Pinas

Nakadaong ngayon sa Pier 15, South Harbour, sa Maynila ang tatlong barkong pandigma ng bansang Russia.

Kabilang sa nakadaong ngayon ang Admiral Panteleyev at Admiral Vinogradov na ginagamit ng Russian Navy, na pawang anti-submarine ship.

Nasa Maynila din ang Boris Butoma, na isang large sea tanker ng Russian Pacific Fleet.

Sinalubong ang mga nabanggit na barko ni Russian Ambassador Igor Khovaev at ng mga opisyal ng Philippine Navy.

Nabatid na mananatili sa bansa ng limang araw ang mga nasabing barko na nandito para sa isang goodwill visit.

Ang pagdating sa bansa ng mga naturang sasakyang-pandagat ay bilang pauna sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Russian Defense Minister Sergey Shoyguto na dadalo sa 4th Defense Ministers’ meeting.

Samantala, sa Oktubre 21 naman dadaong sa Port of Subic sa Olongapo City ang dalawa pang Russian Navy Ship na Nikolay Vilkov, na isang large landing ship; at Forty Krylov, na isang rescue tug.

Ibibigay ang mga nasabing barko sa bansa ng gobyerno ng Russia bilang token of friendship. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?