1,861

Oct 22, 2021 @ 20:26
By

3 barako ni Bong Revilla tatakbo sa 2022

Tatlong anak na lalaki nina Senador Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado ang tatakbo sa 2022 elections.

Sa Facebook, inanunsyo ni Mayor Lani na tatakbo ang bunso niyang si Ramon Vicente “Ram” Revilla bilang Board Member ng 2nd District ng Bacoor, Cavite.

Substitute aniya si Ram ng kapatid na si Bryan, na magiging first nominee naman ng AGIMAT party-list.

Samantala, naghain na ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre 7 ang isa pa nilang anak na si incumbent Cavite Vice Governor Jolo Revilla, para sa pagtakbong Cavite 1st District representative.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?