1,013

Nov 20, 2021 @ 20:29
By

3 bansa kinampihan ‘Pinas vs China

Tatlong malalaking bansa ang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas kaugnay ng nangyaring pagha-harass ng ilang barko ng China sa West Philippine Sea kamakailan.

Ito ay ang US, Australia at Japan.

Kinilala ng tatlong bansa ang tagumpay ng Pilipinas sa 2016 arbitration case kontra China.

“The United States strongly believes that PRC (People’s Republic of China) actions asserting its expansive and unlawful South China Sea maritime claims undermine peace and security in the region,” pahayag ni US State Department spokesperson Ned Price.

Dugtong pa ni Price, sakaling magsagawa ng armadong pagkilos ang China laban sa Pilipinas sa WPS ay aaksyon ang US batay sa nakasaad sa 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty.

“Compliance with the 2016 arbitral award and the principle of peaceful settlement of disputes based on international law, UNCLOS, are vital for peace and prosperity for the region,” saad naman ng Japanese embassy sa Maynila.

“Australia has consistently expressed support for UNCLOS, the 2016 South China Sea Arbitral Award and an open and inclusive region. We continue to work with and support our Philippine partners on maritime issues and are concerned with recent destabilizing incidents in the SCS,” saad naman ni Australian Ambassador Steven Robinson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?