121

Apr 12, 2021 @ 23:07
By

3 bakunado ng AstraZeneca natodas

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) sa Soccsksargen ang tungkol sa tatlo diumanong nasawi sa Matalam, Cotabato ilang araw matapos turukan ng AstraZeneca vaccine.

Sa ulat, sinabi ni Cotabato Provincial Board Member Philbert Malaluan, hindi pa nakukumpirma kung ang pagkamatay nina Matalam town Councilor Berlin Laroza, 58; kaanak ng konsehal at isang health worker na si Emily Salimbag, 51, ay may kinalaman sa bakuna.

Ini-report na raw ang mga kaso nito sa adverse events committee ng DOH.

Sabi ni Dr. Eva Rabaya, pinuno ng Integrated Provincial Health Office ng Cotabato, isa sa mga nasawi ay may hypertension habang ang iba pa ay nagkaroon ng COVID-19 at maaaring walang kaugnayan sa bakuna ang pagkamatay ng mga ito.

“But only the DOH could conduct the causal analysis of their deaths, so, let’s just wait for the results,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?