13

Dec 3, 2020 @ 14:19
By

3 bakuna baka mabigyan ng EUA sa PH

Bukod sa bakuna ng Pfizer ay posibleng mapabilang din sa mabigyan ng Emergency Utilization Authority (EUA) ang dalawang bakuna sa China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na aprubado na rin sa Food and Drug Administration (FDA) ng China ang mga bakuna ng Sinovac at Sinopharm kaya hindi lang ang bakuna ng Pfizer ang posibleng mabigyan bg EUA.

“Ang impresyon ng tao itong Pfizer ang kauna-unahang binigyan ng EUA, hindi po. May dalawa pang bakuna galing China, yung Sinovac at Sinopharm, binigyan na rin ng EUA ng Tsina,” ani Roque.

Dahil mayroon na aniyang go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa FDA para mag-isyu ng EUA, ang dating anim na buwan na proseso ay magiging 21 araw na lamang sa sandaling matapos ang pag-review sa bisa at pagiging epektibo ng bakuna.

Pinawi ni Roque ang agam agam ng publiko sa bakuna dahil sa pagpapaiksi sa proseso nang pagbusisi sa mga papasok na gamot sa bansa dahil dumaan aniya ang mga ito clinical trials 1,2 at3 sa mga bansang pinagmulan .

“Ang posisyon natin ngayon, dahil meron na tayong EO, basta rehistrado sila ng FDA abroad, eh pupuwedeng 21 days, literature review ana lang on safety and efficacy, pupuwede nang ipagamit dito. Pero uulitin ko, kailangan dumaan pa rin sa FDA natin, kay Dr. Domingo,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?