5

Jan 15, 2021 @ 13:35
By

3 bahay sa Zamboanga naabo

Tatlong bahay ang tinusta ng apoy sa Purok 6, Macatangay Drive, Zamboanga City kaninang madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimulang sumiklab ang sunog alas-5 ng madaling-araw kanina.

Anila, umabot ng higit isang oras bago tuluyang naapula ang apoy.

Sa kanilang tanya, nasa P750,000 ang halaga ng pag-aaring naabo.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa naturang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?