49

Oct 28, 2021 @ 19:40
By

3 bagyo babayo sa Nobyembre

Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na buwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Papangalanan ang mga itong bagyong “Odette”, “Paolo” at “Quedan” kapag pumasok sa PAR.

“Kadalasan po ay tumatama ang mga bagyo sa November sa gitnang bahagi ng ating bansa, sa Southern Luzon, sa Visayas at sa may Northern Mindanao,” saad ni weather specialist Ariel Rojas.

Kabilang sa kilalang bagyo na tumama sa bansa ng buwan ng Nobyembre ang bagyong Yolanda noong 2013, na binansagang “Storm of the Century” matapos kumitil ng mahigit 6,000 katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?