151

By

3 bagitong pulis-Maynila huli sa pangongotong

Sharing is caring!

Huli sa entrapment operation ang tatlong pulis-Maynila matapos ireklamo ng robbery-extortion.

Ang mga suspek na sina P01 Radam Reyes Manglicmot; P01 Edmar Dalusong Cayanan; at P01 Jeff-Pee Macapagal Calaguas – ay pawang nakatalaga sa Anti-Crime Unit ng Manila Police District Station-5.

Mismong si MPD Director Police Chief Superintindent Rolando Anduyan ang nanguna sa entrapment operation matapos ireklamo ang tatlo ng pangungutong ng halagang P300,000 piso mula sa isang Mohammad Shahjahan Maid Haider, asawa ng isa sa mga hinuli at ikinulong ng mga suspek na pulis dahil umano sa paglabag sa City Ordinance 555 o pag-inum sa pampublikong lugar sa Ermita, Manila.

Ang entrapment operation ay isinagawa pasado alas 11:00 gabi ng Miyerkules, June 27,2018 sa loob mismo ng tanggapan ng Anti-Crime Unit ng MPD Station-5 kung saan nakatalaga ang mga suspek na pulis.

Nabatid na hiningan umano ng naturang halaga ng mga suspek si Haider kapalit ng paglaya ng kanyang asawa na si Monera Bansel Usman, isa sa mga hinuli at ikinulong ng mga ito.

Maliban sa Robbery-extortion ay nahaharap din sa kasong arbitrary detention ang mga suspek na pulis matapos ireklamo ng iba lang mga biktima na sina Cathy Jundos Magada; Allysa Mamalac Savedra; Nashria PiangAbdulrahman; Hasmin Hassan Bacol; Rhea Minandang Balayman; Michael Luba; Edgardo Montadez Ceilo;
Angelo Geronimo Carvajal; Rodolfo at Opiniano Osenar.

Maliban sa PDEA-NCR ay naging katuwang ni Anduyan sa operasyon para arestuhin ang tatlong pulis ang iba’t-ibang Unit ng MPD.

Kasalukuyan nang nakakulong sa MPD Headquarters ang tatlong pulis na nahaharap sa Iba’t-ibang asunto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?