184
knifed
By

3 babae kinatay sa loob ng boarding house

Patay ang magkapatid na babae at isa nilang kaibigan nang pagsasaksakin ng live-in partner ng isa sa mga biktima na lumusob sa boarding house na tinitirhan ng mga una, Miyerkoles ng madaling-araw sa Davao City.

Pawang dead on the spot sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Jessa May at Jesybell Abitona, at kaibigan nilang si Caryl Jiff Silianon, na nakitulog lang sa nasabing boarding house.

Samantala bantay-sarado naman ng pulisya sa isang ospital ang suspek na si Daryl Aguilar, live-in partner ng biktimang si Jessa May, na nagtangka ring magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili matapos gawin ang krimen.

Sa inisyal na ulat ng Davao City Police Office, naganap ang insidente pasado ala-una ng madaling-araw nang sugurin ng suspek ang boarding house ng kanyang kinakasama sa Sunrise Village, Barangay Matina ng nabatid na lungsod.

Base sa salaysay ng mga boarder na nakatira sa katabing kuwarto ng mga bikima, nakarinig na lang sila ng mga sigaw, malalakas na kalabog at paghingi ng tulong ng mga biktima sa loob ng kanilang kuwarto subalit sa takot ay hindi sila lumabas ng kanilang kuwarto.

Ayon naman sa land lady ng nabatid na boarding house na nakiusap sa pulisya na huwag nang ilagay ang kanyang pangalan, nag-chat pa mismo sa kanya ang suspek makalipas ang ilang minuto at nagsasabing tumawag ito ng pulis dahil napatay daw niya ang kanyang live-in partner at mga kasama sa loob ng kuwarto.

Agad na pinapuntahan ng land lady sa kanyang asawa ang kuwarto ng magkapatid na Abitona at doon ay tumambad sa kanya ang bangkay ng tatlong babae, habang sugatan din ang suspek na nasa loob ng kuwarto.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang patalim na ginamit sa krimen at isang baril na nakalagay sa sling bag.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpatay sa kanyang kinakasama at pagdamay pa nito sa kapatid at kaibigan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?