56
arrested
Oct 13, 2017 @ 17:20

3 ASG sumuko sa militar

Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa tropa ng Joint Task Force Sulu sa Barangay Bulibangao, Tongkil, Sulu Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga sumukong bandido na sina Ajimad Musnali na isinuko ang kanyang kalibre 30 spring field, Nanah Amdad Tunggal bitbit ang kanyang Caliber 30 M1 spring field; at Hasiri Sabirin na isinuko ang kanyang spring field Caliber 30 M1.

Ayon kay Joint Task Force Commander Brigadier General Cirilito Sobejana alas-8:30 ng umaga kanina ng sumuko ang mga bandido na mga tauhan ni ASG Sub leader Asbi Misuari na una nang sumuko sa JTF Sulu.

Sa ngayon ay isinasailaim na sa custodial debriefing ang mga sumukong bandido sa Camp Kuta Heneral Teodolfo Bautista Busbus Jolo Sulu.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?