227

Feb 22, 2020 @ 18:18
By

3 araw nang sumisiklab: Wildfire sa Benguet, hindi pa natutupok

Patuloy ang pagliliyab mula pa noong Huwebes hanggang Sabado ng umaga ang kabundukan sa bahagi ng Barangay Ambassador sa bayan ng Tublay sa Benguet, ayon sa Benguet Fire Department (BFD).

Saad ng BFD-Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang paglagablab noong February 20 (Huwebes).

Sinabi ng BFP na hirap ang mga bumbero na abutin ang ilang bahagi ng nasabing bundok dahil delikado at hindi makapasok ang kanilang fire truck.

Hindi pa tiyak, ayon sa mga pamatay sunog, kung ilang residente ang naapektuhan ng sunog at kung gaano na ito kalawak.

Rumesponde na rin sa nasabing forest fire ang Office of Civil Defense (OCD) at mga bombero mula sa La Trinidad at Baguio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?