8

Jul 24, 2020 @ 10:17
By

3-araw na meteor shower matutunghayan – PAGASA

Simulasa Hulyo 28 hanggang Hulyo 30 ay matutunghayan sa kalangitan ang meteor shower.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bagamat tatlong araw makikita ang shooting stars simula alas 11:00 ng gabi, ang peak nito ay sa Miyerkules, July 29 hanggang July 30.

Nasa 5 hanggang 10 na Aquarids meteor ang makikita kada oras sa mangyayaring meteor shower subalit kung magiging maaliwalas ang kalangitan ay maaaring hanggang 15 shooting stars ang matutunghayan kada oras.

Sinabi ng PAGASA na ligtas panoorin ang meteor shower sa naked eye lamang.

Ang meteor ay bahagi ng complex of radiants sa Aquarius, Capricornus at Pisces Austrinus constellations na kapag nagsama-sama at nahaluan ng Perseid activity ay magreresulta sa pagbagsak ng meteors.

Ipinaliwanag ng PAGASA na ang Southern Delta Aquarids meteor shower ay nagaganap bago ang Perseids meteor shower na bubuhos naman sa buwan ng Agosto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?