57

Sep 26, 2020 @ 22:31
By

3 araw na eleksyon, baka mauwi sa dayaan – Imee

Sinabi ni Senadora Imee Marcos nitong Sabado na ang pagsasagawa ng 2022 elections ng tatlong araw ay posibleng maging daan sa pagmanipula sa halalan.

Magugunitang inihayag ng Commission on Elections na pinag-aaralan nilang magsagawa ng eleksyon ng dalawa hanggang tatlong araw para mabawasan ang bilang ng mga botanteng inaasahang dadagsa sa mga voting precinct sakaling hindi pa tapos ang pandemya sa taong iyon.

“Sabi niya willing siya kahit tatlong araw magtrabaho ang Comelec, tatlong araw na eleksyon pero siyempre takot din tayo nun dahil pag long-playing mas maraming dayaan, nakakanerbiyos, pero to my mind we need to explore that,” pahayag ni Marcos sa isang radio interview.

Sa kabila noon ay hindi naman daw nag-aalala ang senadora sa parating na May 2022 elections.

“’Yung sinasabi ng Comelec seems quite practical ‘yung three days. Another probability… ipaghiwalay ang local sa national. Ibig sabihin kasi may local sa 2022, may local voting din,” aniya.

“Puwede rin ‘yun kasi ‘yung bilangan puwedeng local muna. Tingnan natin. Honestly, I’m not worried with 2022,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?