126

Jul 17, 2019 @ 9:49
By

3-anyos sa drug ops, namatay sa tama ng bala sa utak

Lumabas sa resulta ng ginawang awtopsiya sa 3-anyos na batang babae na nasawi sa drug bust sa Rodriguez, Rizal na nagtamo ito ng gunshot wound sa kanyang utak.

Pumasok umano ang bala sa batok ni Myka Ulpina at lumabas sa kaliwang tenga nito.

“Entry wound niya sa batok, lumabas siya sa may tenga, mas mataas sa may tenga. So lumalabas, pataas,” saad ni Philippine National Police-Crime Laboratory director CSupt. Rolando Hinanay.

Maliban sa tinamong bala sa utak, may gunshot wounds din ang biktima sa kanyang paa at kamay.

Wala naman umanong nakitang anumang metal fragments o piraso ng bala sa katawan ni Myka kaya hirap matukoy kung sino ang nakabaril at nakapatay sa bata.

“Hindi natin ma-determine kung sino ang nakabaril dahil wala tayong nakuha na fragments or pieces ng bullet doon sa katawan ng bata para mai-match natin doon sa mga baril na nakuha sa crime scene o gamit ng mga pulis,” dagdag pa ni Hinanay.

Sa kabila nito, kasukat umano ang gunshot wound sa size ng 9-mm bullet na sinumite ng mga police operative.

Namatay si Myka noong Hunyo 29 matapos gamitin umanong panangga ng kanyang ama na si Renato sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?