3-anyos ‘nalitson’ sa Cebu

Sharing is caring!

Nasawi ang tatlong taong gulang na batang babae nang masunog ang kanilang bahay sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Miyerkoles.

Nakilala ang biktima na si Mary Julianne Castillano.

Ayon sa ulat ng Unang balita, nagpapahinga noon ang biktima kasama ang kanyang lola nang masunog ang kanilang bahay.

Sabi ni Geralden, hawak niya ang kapatid niyang si Julliane subalit nang magliyab ang apoy, bigla niyang nabitawan ang kamay ng kapatid at nahulog ito sa hagdan.

Tinangka niyang isalba ang kanyang kapatid subalit tuluyan na itong nilamon ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?