33

Feb 12, 2020 @ 10:41
By

3 anggulo sa pagdukot sa doktor sa Sulu tinitingnan

Tatlong anggulo ang tinitingnan ng militar sa naganap na pagdukot ng mga umano’y miyembro ng Abu Sayyaf kay Dr. Daniel Moreno noong Pebrero 4 sa kanilang bahay sa Barangay Walled City sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana kasalukuyan nilang biniberipika ang mga nasabing anggulo.

Posible aniyang dinukot si Moreno upang gamutin nito ang mga sugatang miyemnro ng ASG, ikalawa ay upang gamutin si ASG Leader Hatib Hajan Sawadjaan na may sakit umanong tuberculosis o TB, habang ang ikatlong anggulo ay para sa ransom money.

“We are now validating the report and intensifying our monitoring efforts regarding the report aimed at recovering Dr. Daniel Moreno an internist physician and a resident of Jolo town proper whom the ASG kidnapped in Jolo, Sulu on February 4,” wika ni Sobejana.

Sa ngayon ay wala pa umanong natatanggap ang pamilya ng doktor na anumang ransom demend mula sa ASG, dagdag pa ni Sobejana.

Nakuha na rin ng militar ang CCTV footage ng ginawang pagkuha ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa doktor at sa tingin nila ay walang puwersahang pagkuha sa biktima at kusa itong sumama.

“We viewed the CCTV footage and we observed that Moreno was first shocked with the presence of the four armed, but later, he just went with group. They were not even dragging or holding him on his arms,” paliwanag ni Sobejana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?