142

By

3 akusado sa kaso ng pagpatay kay Jee Ick Joo, nais ilipat sa Angeles jail

Sharing is caring!

Nag-isyu ng panibagong commitment order si Judge Irin Zenaida Buan ng Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 56 para mailipat sa Angeles City District Jail sina Polic Supt. Rafael Dumlao, SPO3 Ricky Sta. isabel at Jerry Omlang.

Ang tatlo ay akusado sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Kasunod ito ng pagbasura ng hukom sa inihaing apela ng mga akusado na manatili sila sa kanilang kinapipiitan dahil sa isyu ng seguridad.

Si Dumlao ay kasalukuyang nasa PNP Custodial Center habang nasa NBI detention facility naman sina Sta isabel at Omlang.

Nahaharap ang tatlo sa mga kasong kidnapping for ransom with homicide, kidnapping and serious illegal detention at carnapping.

Magugunitang Oktubre 18, 2016 nang sapilitang kinuha ng mga police sa kanyang bahay sa Angeles City si Jee kaugnay umano ng anti-drugs operation at humingi umano ng P5 million ransom ang mga suspek sa pamilya ni Jee.

Ang paghingi ng ransom ay kahit pa napatay na si Jee sa loob umano ng Camp Crame.

Ang kanyang bangkay ay dinala sa isang funeral home sa Caloocan City at saka sinunog at ang kanyang mga abo ay itinapon pa sa inidoro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?