120

By

3 akusado sa Atio slay case, nagbitbit ng medical expert

Sharing is caring!

Nagprisinta ng mga medical expert ang tatlo sa mga respondent sa kaso ng pagpatay kay Horacio “Atio” Castillo III para pabulaanan na hazing ang dahilan ng pagkamatay ng freshman student ng University of Sto. Tomas Faculty of Civil Law.

Kalakip ng isinumiteng mga rejoinder affidavit nina John Paul Solano, Mhin Wei Chan at Axel Hipe ay ang mga affidavit ng mga medical expert na sina Atty.. Floresto Arizala Jr na dating hepe ng Medico-Legal Department ng National Bureau of Investigation (NBI); Dr. Rodel Capulo at Dr. Bu Castro.

Para kay Arizala, tinawag niyang “out of this world” ang histopath findings ni Supt. Joseph Palmero ng PNP-Crime Laboratory dahil hindi tamang termino na termino ang “hazing” bilang dahilan ng pagkamatay.

Naniniwala si Arizala na ang dahilan ng pagkamatay ni Atio ay Hypertrophic Cardiomyopathy (HCM) o enlargement of the heart.

Iginiit naman ni Capule na hindi mapapangibabawan ng medico-legal report ni Palmero ang unang medico-legal report ng Manila Police District na nagsasabi umanong HCM ang ikinamatay ni Atio.

Para naman kay Castro, hindi kayang tukuyin sa medico-legal report at histopath findings ang dahilan ng pagkamatay ni Atio.

Kinukwestiyon din ni Solano sa kanyang rejoinder affidavit ang qualification ni Palmero para gumawa ng histopath findings dahil hindi raw ito lisensyadong pathologist dahil hindi naman ito myembro ng Philippine Society of Pathologist.

“…Dr. Palmero is not a Licensed Pathologist as he is reported to be not a member of the prestigious Fellow, Philippine Society of Pathologist (FPSP). In fact, the title indicated in the name of Dr. Palmero is not a member of FPSP but member of FPSM which means Fellow, Philippine Society of Medical Specialists,” bahagi ng rejoinder affidavit ni Solano.

Dahil dito, iginiit ni Solano na hindi dapat bigyan ng evidentiary o probative value, sa madaling salita, wala umanong bigat bilang ebidensya ang findings ni Palmero.

“Simply put, if the report is true that Dr. Palmero is not a Licensed Pathologist and member of the FPSP, this Histopath Findings of Dr. Palmero does not have any evidentiary value or probative value and the same cannot and should not be used as legal basis to establish the cause of death of Horacio and/or to establish probable cause for the crime of murder and/or violation of Anti Hazing Law resulting to death,” dagdag pa ni Solano sa kanyang salaysay. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?