39

Nov 8, 2019 @ 16:25

3 airline company nagkaisa sa libreng biyahe ng relief ops sa Mindanao

Napagdesisyunan ng Cebu Pacific Air, Philippines AirAsia at Philippine Airlines sa kanilang pulong noong Lunes, Nobyembre 4, na mamigay ng libreng cargo space para sa relief operations sa Mindanao.

“Those which can avail of the free cargo include agencies and non-government organizations already accredited with the three airlines,” ayon sa Department of Transportation.

Dagdag dito, pumayag din ang AirAsia at Cebu Pacific na mag-provide ng limitadong libreng transportasyon para sa mga relief worker o medical personnel at mga volunteer, na certified ng Department of Social Welfare and Development o Department of Health at iniendorso ng Civil Aeronautics Board.

Nitong Oktubre 2019, ilang beses niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng Mindanao na nagresulta sa pagbakwit ng libu-libong pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?