13
views
dotr
By

3 ahensiya ng DOTr, magre-remit ng P11-B sa gobyerno

Sharing is caring!

Nakatakdang mag-remit ang tatlong ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ng halagang aabot sa P11 bilyon na dibidendo para sa taong 2017 sa National Treasury sa Abril 13, 2018.

Kabilang sa mga ahensiyang ito ang Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Philippine Ports Authority (PPA).

Nabatid na ang MIAA ay magre-remit ng halagang PP2.01 bilyon; CAAP (P6.2-B) at PPA (P3-B) na dibidendo.

Pangungunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade, kasama ang mga matataas na opisyal ng DOTr, MIAA, CAAP at PPA ang turnover ng mga tseke kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Clark, Pampanga.

Pinasalamatan naman ni Tugade ang mga nabanggit na attached agencies sa kanilang kontribusyon.

“I always tell our revenue-generating agencies to improve their collection. This is our way of contributing to the government, especially as we usher in the Golden Age of Philippine Infrastructure,” sabi ni Tugade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?