106
3 Badjao huli sa pagpatay sa pawikan
Jun 7, 2019 @ 15:45
By

3 Abu Sayyaf timbog sa Zamboanga

Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga awtoridad sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga City.

Ayon kay Police Brig. General Froilan Quidilla, Regional Director ng PRO 9, unang nadakip ang dalawang suspek na sina Jamil Ibrahim, alyas Jam/Mil/MalangkaDiwasal, nasa hustong gulang; at Majuk Tahil Amil, alyas Juk/Jamal Taib, pawang residente ng Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.

Alas-11:00 ng umaga nitong Huwebes nang isilbi ang warrant of arrest laban sa dalawang suspek sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng Golden Harvest kidnapping incident sa Barangay Tairann, Lantawan Basilan noong Hunyo 11, 2001.

Samantala, alas-3:40 naman ng hapon nang maaresto si Yong Hasim Aming, alyas Yong/Enjie/Ejemal, sa pinagtataguan nitong bahay sa Tibak, Barangay Divisoria ng nasabing lungsod.

Sangkot din si Aming sa kasong kidnapping at serious illegal detention with ranson.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Regional Intelligence Division 9 ang mga nadakip habang hinihintay ang pagdinig ng kaso nila sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?