62

By

3 Abu Sayyaf patay sa sagupaan sa Sulu

Sharing is caring!

Patay ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na maka-engkuwentro ng tropa ng Joint Task Force Sulu ang nasa 20 mga miyembro nito sa Sitio Buling-Buling, Brgy. Suuh Panamao, Sulu kanina.

Ayon kay Armed Force of the Philippines (AFP) Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, alas-2:30 ng hapon kanina habang nagsasagawa ng security operations ang tropa ng militar ay nakasagupa ang mga bandido.

Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan bago nagsitakas papalayo ang mga bandido.

Ang mga nasawi, ayon kay Sobejana, ay kabilang sa grupo ni Radullan Sahiron na nag-o-operate sa Patikul Sulu.

Walang naiulat na nasawi sa panig ng tropa ng pamahalaan.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang ilang war materials partikular ang isang M16 rifle at isang kalibre ng baril.

Ibinigay ng militar sa lokal na pamahalaan ng Sulu ang bangkay ng tatlong bandido para mabigyan ng maayos na libing.

Nagpasalamat din ang militar sa kooperasyon ng ilang Tausug sa Sulu para maging matagumpay ang operasyon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?