27

By

3 Abu Sayyaf patay sa sagupaan sa Sulu

Sharing is caring!

Nasawi ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos ang sagupaan sa pagitan ng 2nd Special Forces Batallion at Abu Sayyaf Group sa Barangay Kuppong Indanan, Sulu kaninang madaling araw.

Kinilala ang sa isa tatlong nasawing bandido na si Pakan Sakam Sappari alyas Last Pangit.

Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command alas-4:30 ng madaling araw kanina nang maganap ang sagupaan na nagtagal ng dalawang minuto.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang kalibre 45 baril at apat na rounds ng ammunitions.

Ang grupo ni Pakan Sakam Sappari ay sangkot sa nagaganap na kidnapping sa lugar.

Samantala patay naman isang sundalo at sugatan ang sampu pa makaraang na makasagupa ang animnapung miyembro ng Abu sayyaf group sa Sitio Kan Apo Aluk Barangay Pangalayahan Patikul Sulu kahapon.

Nagtagal ng dalawang oras ang sagupaan at ngayon inaalam pa ng militar kung ilan ang casualties sa mga nakalabang Abu Sayyaf.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga nakasagupang bandido.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?