44

Sep 16, 2020 @ 20:43
By

3-7 mbps internet speed sa ‘Pinas, pinagtanggol ni Honasan

Sa kabila na pumapalo na sa 55 mbps ang bilis ng internet sa ibang bansa, hindi na raw masama ang takbo ng internet sa Pilipinas na naglalaro sa tatlo hanggang pitong mbps, ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II.

“No excuses po, we take full responsibility [sa isyu ng internet speed]. Sa ibang bansa pumapalo sila ng 55 mbps, tayo naglalaro between 3 and 7 (mbps), pero hindi na po ito masama,” saad ng dati ring mambatatas sa budget hearing tungkol sa P46 bilyong panukalang pondo ng DICT para sa 2021.

Sa katunayan, ayon kay Honasan, malaki na ang na-improve ng internet speed sa bansa.

Dagdag ni DICT Assistant Secretary Emmanuel Caintic, bumilis na ang internet speed sa bansa sa 7.91 hanggang 25.07 mbps sa fixed broadband at 7.4 hanggang 6.25 mbps sa mobile internet.

Pero ani Caintic, hindi nila ito ikinagagalak dahil malayo ito sa 200 mbps (fixed broadband) at 56.43 mbps sa mobile internet ng mga kalapit na bansa ng Pilipinas.

Kaya kailangan daw talagang ayusin ang telecommunications infrastructure ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?