15

Jul 12, 2021 @ 18:39
By

3.5M Pinoy kumpleto na bakuna vs COVID

Umabot na sa 3.5 milyong katao sa Pilipinas ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, 9.6 milyong indibiduwal naman ang naturukan na ng unang dose.

“Out of the 13.1 million na nabakuna, 9.6 million na po ang first dose at 3.5 million ang second dose,” wika ni Cabotaje nitong Lunes.

Dagdag niya, 1.1 milyon sa target na 1.6 milyong health workers ang fully vaccinated na rin laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,