58
2x-to-beat sapul ng Ateneo, pero Baldwin hindi kuntento
Apr 29, 2019 @ 17:57
By ,

2x-to-beat sapul ng Ateneo, pero Baldwin hindi kuntento

Sinelyuhan ng Cignal-Ateneo Blue Eagles ang twice-to-beat advantage sa playoffs ng 9th PBA D-League nang pabagsakin ang Che’lu Bar and Grill 102-88 Lunes sa JCSGO Gym sa Cubao.

Patuloy ang pagdagit ng panalo ng Blue Eagles sa liga, na ngayon ay mas matibay ang hawak sa top spot tangan ang 8-1 na baraha.

Pabibo si Thirdy Ravena nang tumapos ito ng 24 points at pitong rebounds para pangunahan ang tropa habang umayuda naman ng 18 markers at 16 rebounds si Ange Kouame.

Malalim din ang hugot ng tropa sa bench nang sumahog ng 17 points si Adrian Wong at 12 markers si Wil Navarro.

“I think it gotten in our heads a little bit and I don’t think we executed good basketball actions throughout the games and it’s something we can learn from,” sabi ni Cignal coach Tab Baldwin.

“Obviously it doesn’t work because we still able to hold our ground but I think our cohesion suffers a little bit.”

Naging pisikalan at gitgitan ang laban ng dalawang tropa pero mas naging matatag ang Blue Eagles sa pagpapamalas nito ng dominasyon mula simula hanggang dulo.

Samantala, tumapos naman ng 21 points si Jerald Bautista para sa Che’lu Bar and Grill na sadsad ngayon sa 3-3 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?