mmda-spes
By

2OO studes, nagka-summer jobs sa MMDA

Sharing is caring!

Nagsimula nang magtrabaho sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 200 estudyante at out-of-school youths na napabilang sa Special Program for Employment of Students (SPES) ng ahensiya.

Ang mga summer working students ay magtatrabaho sa ahensiya bilang clerks, computer operators, public relation assistants, research assistants, legal assistants, messengers, engineering aides, statistician aides at data encoders.

Sinabi ni MMDA Chairman Danny Lim, maipapaliwanag at mapapaintindi nila sa mga estudyante ang mga mandato ng ahensiya, partikular na ang traffic at solid waste management, urban planning, health, public safety, environmental protection at flood control management.

Ang mga kabataan ay magtatrabaho ng 22 araw sa ahensiya simula ngayon hanggang sa Mayo 17.

Tatanggap sila ng P512 kada araw, kung saan 60 porsiyento nito ay mula sa pondo ng MMDA habang ang 40 porsiyento naman ay sagot ng Department of Public Works and Highways.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?