4
playing-chess
By

2nd Winston Silvakov’s Cup, susulong

Sharing is caring!

Susulong ang pinakahihintay na 2nd Winston Silvakov’s Chess Cup tournament sa Hulyo 14 sa Pinoy Chess Club Online Facebook site.

Ipatutupad sa nasabing event ang single-elimination tournament, knock-out format, 2 minutes bullet time control.

“GMs and IMs participants will be advancing automatically to round 2 with respect to their status and at the same time attract more players,” ayon sa mga organizer.

Maibubulsa ng magkakampeon ang P2,000 habang nakalaan naman sa next five winners ang tig-P1,500, P1,000, P700, P500 at P300 ayon sa pagkakasunod.

May matatangap naman na tig-P100 ang ika-7 hanggang ika-10 pwesto, habang ang top lady performer ay may mapapanalunan naman na P300.

Ang top 10 finishers ay uusad sa Grandfinals sa Disyembre 23, 2018 kung saan may nakalaan na P4,000 ang tatanghaling overall champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?