10
views

By

2nd UNTV Cup: 20-11-8 ni Sanchez inapela ng Ombudsman

Sharing is caring!

Mga laro sa Huwebes:

(Pasig City Sports Center)

2 p.m. – AFP vs Ombudsman

3:30 p.m. – Malacañang-PSC vs PNP

5 p.m. – Judiciary vs Senate

Nasikwat ng Ombudsman ang huling semis twice-to-beat bonus sa 2nd UNTV Cup Executive Face-Off matapos talunin ang Judiciary Magis, 55-54, nitong weekend sa Pasig City Sports Center.

Hinabol ng Magis ang siyam na puntos na kalamangan ng Graftbusters sa mga unang minuto ng laro pero hindi ito sapat para masungkit ang panalo.

Sumandal ang Graftbusters kay Attorney Armando Sanchez, Jr., na kumalawit ng 20 puntos, 11 rebounds at walong steals habang 16 na puntos ang alalay ni Jorge Espinal.

Kahit natalo ang Judiciary Magis sa laban nila ay makakatuntong pa rin ito sa semifinals dahil sa pagkatalo ng Malacanang-Philippine Sports Commission (PSC) kontra DOJ Boosters, 85-81.

Naposasan ng Philippine National Police (PNP) Responders ang unang semis spot kasama ang twice-to-beat advantage dalawang linggo na ang nakakaraan.

Samantala, natuldukan na ng Cavaliers ang five-game losing streak matapos maalpasan ang GSIS Furies, 92-55.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?