123

By

2nd phase ng AFP modernization program, tinatrabaho na – Duterte

Sharing is caring!

Makakaasa ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ng mas modernong kagamitan para makasabay sa ibang bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pangunahan ang ika-71 founding anniversary ng Philippine Air Force (PAF) sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na tinatrabaho na nila ang ikalawang yugto ng revised AFP Modernization Program kung saan mayroong nakalinyang 16 na proyekto sa PAF na nagkakahalaga ng P139 bilyon.

Sinabi ng Pangulo na ngayong taon ay nakumpleto na ng PAF ang pagbili ng air defense surveillance radars, utility aircraft at unmanned aerial vehicles para madagdagan ang air assets ng gobyerno.

“In order to further develop a modern adequately equipped border security force, the government is currently working on the implementation of the second horizon of the revised AFP Modernization Program by 2022 with 26 projects for the Philippine Air Force worth over P139 billion already in the pipeline,” anang Pangulo.

Kasabay nito kinilala ng Presidente ang sakripisyo at commitment ng mga opisyal at tauhan ng PAF sa pagtiyak sa kaligtasan ng sambayanan at pagtatanggol sa soberenya ng bansa.

Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte ang mga opisyal at tauhan ng Air Force sa malaking papel para mabawi ang Marawi City laban sa mga terorista.

“We have proven that with unity, cooperation and a determined spirit, we can make our nation strong and our defense impregnable. As young Commander-in-Chief, I am proud to have witnessed the collaborative efforts of our Armed Forces in successfully reclaiming Marawi from the terrorist groups,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?