26
jailed10
By

2nd Most wanted sa droga, tiklo sa Davao

Inaresto ng Davao Police ang kinikilalang 2nd most wanted drug personality matapos hainan ng search warrant sa bayan ng Malalag, Davao del Sur, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Police Maj. Darwin Dura, Davao del Sur Provincial Police Office spokesperson, inaresto ang suspek na si Hamdani Hasan, nasa hustong gulang, sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Baybay, Malalag, Davao del Sur, dala ang search warrant na inisyu ng regional court sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 11 grams at nagkakahalaga ng PHP175,000 matapos ang isinagawang search operation bandang 5:30, Biyernes ng umaga.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Davao del Sur detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?