36

Jul 18, 2021 @ 22:01
By

2nd dose ng vaccine express ngayong linggo – Robredo

Ngayong linggo na umano darating ang ikalawang dose ng COVID bakuna para sa mga tricycle, pedicab at delivery rider na naturukan noong Hunyo, ayon kay Bise Presidente Leni Robredo.

“Reminder sa mga Grab drivers and riders, mga TODA drivers na nag-first dose — second dose po natin sa Tuesday and Wednesday sa CCP Complex,” wika ni Robredo sa kanyang radio show nitong Linggo.

Ang mga nabakunahang tsuper at rider ay parte ng programang vaccination express ni Robredo na isinagawa noon sa Maynila, kung saan nakipag ugnayan siya kay Mayor Isko Moreno at sa ilang private partners.

Bukod sa Maynila ay tangka rin umano ng bise presidente na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Quezon City upang magsagawa rin doon ng vaccination program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: