9

By

2M aplikasyon natanggap ng Comelec sa unang buwan ng voters registration

Sharing is caring!

Nakatanggap na ang Commission on Elections (COMELEC) ng higit dalawang milyong aplikasyon sa unang buwan ng pagbubukas ng continuing registration para sa nalalapit na 2019 mid-term elections.

Sa tala ng Comelec, umaabot ang aplikasyon sa kabuuang 2,297,606 sa buong bansa.

Mula sa nasabing bilang, 1,037,265 ay mga lalaking applicant, habang 1,260,341 naman ay mga babae.

Base na rin ito sa datos na mula sa Election and Barangay Affairs Department (EBAD).

Samantala, aabot naman sa 1,054,067 ang mga aplikasyon para sa voters registration; 895,246 ang aplikasyon para sa transfer of registration; 179,254 ang aplikasyon para sa reactivation; 168,326 ang change o correction of entries; 441 ang para sa inclusion of record sa book of voters at 272 naman ang reinstatement ng pangalan sa list of voters.

“One factor in the upsurge in submissions is the influx of applicants intending to have their registration records transferred, since applications for transfers were not allowed in the previous rounds of voter registration ahead of the 2018 Barangay and SK Elections,” saad ni Comelec Spokesman James Jimenez.

Inanunsyo rin ng Comelec na sila ay nagsasagawa ng satellite registration sa mga barangay hall, pampubliko at pribadong eskwelahan at maging sa mga commercial establishment, mga detention center at sa mga lugar ng mga indigenous community para matiyak ang malawak na partisipasyon sa eleksyon ng mamamayan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?