25

Oct 18, 2017 @ 16:22

2K pamilya lumikas dahil kay ‘Paolo’

Umaabot sa 2,311 pamilya ang lumikas matapos maramdaman ang epekto ng bagyong Paolo na ngayon ay nararanasan sa ilang bahagi ng Bicol region, Visayas at Mindanao.

Sa ulat ni NDRRMC Spokesperson Marasigan, namonitor ang mga evacuees sa ilang lugar sa Mindanao matapos na makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kanilang lugar.

Bukod sa mga evacuees, apektado rin ng naranasang landslide o pagguho ng lupa ang 45 indibidwal sa Barangay Mauyon, Puerto Princesa City, Palawan.

Habang sa Sultan Mastura, Maguindanao 539 pamiya ang apektado rin ng pagbaha.

Namonitor rin ng NDRRMC ang pagkasira ng mga bahay sa mga lugar na apektado ng bagyong Pablo, dalawang daan at animnaput anim(266) ay partially damage habang dalawang daan at tatlumput isang (231)bahay ang totally damage.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?