95

Oct 21, 2020 @ 20:42
By

29 Pinoy lumapag sa China nagpositibo sa COVID

Na-test na positibo sa coronavirus disease ang 29 Filipino seafarer nang dumating sa China at pasakay na sana ng kani-kanilang barko.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia nitong Miyerkoles, ipinabatid sa kanila ng Chinese Embassy ang 29 Filipino seafarer na nagpositibo sa virus.

“Nakipag-ugnayan na sa amin ang Chinese Embassy and meron po silang binigay sa akin na listahan na 29 na seafarers na nag-test positive after taking ‘yung negative tests ng COVID,” pahayag ni Olalia sa ulat ng Manila Bulletin.

Sumailalim aniya ang naturang mga seafarer sa COVID-19 test sa Pilipinas at nag-negative ang mga ito bago pinayagang ma-deploy sa China.

Kinontak ni Olalia ang agency na nagpadala sa 29 seafarer.

“Nagpaliwanag naman po sila na marami pong factors na involved doon sa pagiging COVID positive ng ating seafarers,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?