6

Feb 23, 2021 @ 18:29
By

29 parak sapul ng COVID-19

Sumipa na sa 11,083 mga kawani ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositbo sa COVID-19 matapos maitala ang 29 bagong kaso kahapon.

Nadagdagan naman ng 39 ang mga nakarekober mula sa naturang sakit. Sa kabuuan, 10,618 pulis na ang dumaig sa COVID-19.

Nanatili naman sa 31 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang pumalo na sa 434 ang bilang ng mga kawani ng PNP na nagpapagaling mula sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,