6

Mar 5, 2021 @ 16:08
By

29 pang Pinoy sa abroad sapul ng COVID-19 – DFA

Dalawapu’t siyam pang Pilipino sa labas ng bansa ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa kabuuan, 15, 052 na ang naitalang kaso ng mga Pinoy sa abroad na tinaamaan ng virus.

Sa opisyal na Twitter account ng DFA, makikitang nasa 9,513 mga Pilipino na gumaling sa virus matapos aitala ang 58 bagong nakarekober kahapon.

Umakyat naman sa 1,033 ang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng 12 bagong nadedo kahapon.

Kasalukuyang sumirit na sa 4,506 Pinoy sa abroad ang nagpapagaling mula sa naturang sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?